Thursday, November 18, 2010

Glowing Stars!

Kami lang naiwan ni Papa sa bahay. Umalis kasi si Tita at si Mama. Pumunta sila sa Manila. Nag-watch lang ako ng Barney at Hi5 habang naglalaro. Then namasyal kami ni Papa sa labas. Takbo ako ng takbo dun sa may simbahan. Makikipaglaro sana yung dalawang bata doon pero di ko pinansin. Tuwang tuwa kasi ako na tumatakbo at tumitingin sa mga sasakyan, sa flowers, at sa cat. Tapos sumakay kami sa Jeep at pumunta sa walter para hintayin sina Mama. Kaso inaantok na ako at umiiyak kaya umuwi nalang kami at bumili si Papa ng lollipop. Pagdating namin sa bahay. Nagtext si mama na sunduin daw namin sila sa gate. Tuwang tuwa siya ng makita ako. Ang dami nya binili na toys! Mga helicopter, cars at airplane! Tapos may stars pa na dinikit sa kesame ng room at umiilaw kapag pinapatay ang light. Na-amaze talaga ako habang nakahiga at pinatay ang light. Hindi na ako natakot kasi tuwang tuwa ako sa stars.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Powerade Coupons